LTO, nagbanta na tatapusin na ang operasyon ng mga colorum na sasakyan sa buong bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Seryoso ang Land Transportation Office (LTO) na tapusin na ang iligal na operasyon ng mga colorum na sasakyan sa buong bansa.

Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza II, makikipag-ugnayan ang ahensya sa iba pang law enforcement agencies para bumuo ng isang komprehensibong plano para sa mga gagawing hakbang.

Aniya, magiging mas agresibo na ang kampanya ng anti-colorum kaysa dati na nakaapekto sa mga lehitimong transport operator.

Sinasabing 30 porsiyento ng kanilang kita kada araw ang nawawala dahil sa mga colorum operator.

Mula Hulyo ng nakalipas na taon naging agresibo na ang LTO sa anti-colorum drive sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Sabi pa ni Mendoza, palalakasin din ng LTO ang koordinasyon sa ports authority upang maharang ang biyahe ng mga colorum na sasakyan sa inter-island travel, lalo na gamit ang Roll On, Roll Off (RoRo) vessels. Bukod dito, ang coordination meeting sa Philippine National Police at Philippine Coast Guard sa paghahanda ng mga kaso laban sa mga mahuhuling colorum na driver at operator. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us