Simula ngayong tanghali ay muling inilagay sa yellow at red alert na naman ang Luzon at Visayas grid.
Ito na ang ikaapat na sunod na araw na inilagay sa alert status ang Luzon at Visayas grid dahil sa kakapusan ng reserba sa kuryente.
Sa abiso ng NGCP, magsisimula ang Yellow alert sa Luzon Grid mamayang alas-12 ng tanghali at sa mga sumusunod na oras:
๐๐๐ฅ๐ฅ๐จ๐ฐ ๐๐ฅ๐๐ซ๐ญ
12:00NN-3:00PM
4:00PM-6:00PM
10:00PM-11:00PM
๐๐๐ ๐๐ฅ๐๐ซ๐ญ
3:00PM-4:00PM
6:00PM-10:00PM
Nasa higit 2,000 MW kasi ang nawawala sa grid dahil sa 19 na planta ang bumagsak habang tatlo pa ang tumatakbo na kulang ang kapasidad.
Nasa yellow alert din ang Visayas grid mula alas-12 ng tanghali hanggang alas-4 ng hapon at alas-5 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi. | ulat ni Merry Ann Bastasa