Inanunsyo ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na isasailalim sa Red at Yellow Alert ang Luzon at Visayas Grid ngayong araw.
Ito’y ayon sa NGCP ay bunsod na rin ng manipis na suplay ng kuryente dahil sa ‘forced outage’ ng 19 na planta sa Luzon Grid at 12 naman sa Visayas Grid.
Ayon sa NGCP, isasailalim sa Red Alert ang Luzon Grid mula alas-2 hanggang alas-4 ng hapon at masusundan pa mula alas-6 hanggang alas-9 ng gabi.
Habang pansamantalang ibababa sa Yellow Alert ang Luzon Grid mula ala-1 hanggang alas-2 ng hapon, alas-4 hanggang alas-6 ng gabi at alas-9 hanggang alas-11 ng gabi.
Ang Visayas Grid naman ay ilalagay sa Yellow Alert ganap na alas-2 hanggang alas-4 ng hapon at masusundan pa mula alas-6 hanggang alas-7 ng gabi. | ulat ni Jaymark Dagala