Luzon Grid at Visayas grid status, inilagay sa yellow alert ngayong hapon – NGCP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling isinailalim sa Yellow Alert Status ang Visayas grid ngayong hapon, Abril 23 mula kaninang ala-1 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi.

Sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ito ay dahil sa force outage ng 20 powerplant sa Visayas habang siyam ang nasa derated capacity.

Sa datos ng NGCP, kapos ang grid ng nasa 604.4 megawatts na supply ng kuryente.

Kung saan ang available capacity sa nasabing oras ay nasa 2,742 megawatts lang.

Habang ang peak demand ay umaabot sa 2,571 megawatts.

Nauna nang, isinailalim sa Yellow Alert Status ang Luzon Grid dahil din sa pagnipis ng reserba ng kuryente.

Ipinatupad ang Yellow alert mula ala-1 ng hapon hanggang alas-5 ng hapon at alas-6 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi.

Ayon sa NGCP, nawalan ng 1,518 megawatts ang grid dahil nasa 18 power plants ang naka forced outage, habang dalawa pa ang kapos sa kapasidad. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us