Muling isasailalim ang Luzon Grid sa yellow alert status ngayong araw dahil sa manipis na reserba sa kuryente.
Sa abiso ng NGCP, iaakyat ang yellow alert status simula mamayang alas-2 ng hapon hanggang alas-4 ng hapon, at mamayang alas-8 ng gabi hanggang alas-10 ng gabi.
Apektado muli ang grid dahil sa mga plantang naka-forced outage at gumagana ng mas mababa sa kapasidad.
Dahil dito, nasa 1,369.3 MW ang nawawala sa grid.
Nasa 14,950 megawatts naman ang available capacity sa Luzon Grid habang ang peak demand ay 13,902 megawatts. | ulat ni Merry Ann Bastasa