Siniguro ni Transportation Undersecretray Andy Ortega na walang magiging problema sa transportasyon sa National Capital Region (NCR) kapag ipinatupad na ang Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program.
Ito’y kahit nasa 52.54% pa lang o 26,000 sa kabuuang 49,000 units ang nag consolidate sa Metro Manila.
Pagtiyak ni Usec. Ortega na pinaghahandaan na ito ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
Aniya, magtutulungan ang mga consolidated jeepney na sasaluhin ang mga ruta na zero o hindi nag consolidate.
Paliwanag pa ng opisyal na hindi katulad sa mga probinsya, maraming opsyon na maaaring pagpilian ang mga pasahero sa Metro Manila. Kabilang dito ang mga tren bus at iba pang uri ng transportasyon.
Ayon sa datos ng DOTR, 77.68% na ang nag consolidate sa buong bansa at sapat na umano ito para ituloy ang PUV Consolidation at hindi palawigin ang deadline.| ulat ni Rey Ferrer