Nangako si Quezon City District 5 Rep. PM Vargas na tityakin niyang napro-protektahan ang mga empleyado ng mga Business Process Outsourcing Industry sa pamamagitan ng Magna Carta of IT-BPO Workers.
Sinabi ni Congressman Vargas ang IT-BPO industry ay nanatiling pinakamalibis na lumalagong sector sa bansa at nararapat lamang aniya na tiyakin ang proteksyon ng mga manggagawa at panatilihin itong nakasunod sa international standards.
Ang panukala ay kasalukuyang nakabinbin sa Committee on Labor and Employment na naglalayong komprehensibong tugunan ang kapakanan ng mga mangagawa sa BPO.
Sakaling maging ganap na batas, ang mga mangagawa sa industriya ng IT BPO ay masisigurong maprotektahan laban sa understaffing and overloading, pagsusulong ng regularization and security of tenure at right to association. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes