Niyanig ng magnitude 4 na lindol ang bahagi ng Rizal sa Occidental Mindoro ngayong tanghali.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), bandang 12:37 ng tanghali naganap ang pagyanig.
Naitala ang sentro nito sa layong 19km Timog Kanluran ng naturang bayan.
Tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 10 kilometro sa lupa.
Naitala ang Instrumental Intensities:
Intensity III – Magsaysay, Occidental Mindoro
Intensity I – Mamburao, Occidental Mindoro
Wala namang inaasahang mga aftershock at pinsala kasunod ng pagyanig. | ulat ni Merry Ann Bastasa