Umabot na sa 11,124 na mga bata sa Bangsamoro Automous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang nabakunahan kontra tigdas ng Philippine Red Cross (PRC).
Kasunod ito ng idineklara measles outbreak sa naturang rehiyon.
Ayon kay PRC Chairman Richard Gordon, pinaigting nila ang vaccination efforts sa mga batang edad anim na buwan hanggang 10 taon upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.
Mahalaga aniya na maunawaan ng publiko na kinakailangan ng makapagbakuna sa lalong madaling panahon upang malabanan ang sakit na nakamamatay lalo na sa mga kabataan.
Kabilang sa mga lugar na nabakunahan ang Sulu, Basilan, Tawi-Tawi, Cotabato City, Lanao Del Sur, at Lanao Del Norte.
Siniguro naman ng PRC na handa ang kanilang mga vaccinator at kanilang mga asset upang tumulong sa pagbabakuna sa mga komunidad. | ulat ni Diane Lear