Hinimok ni Social Security System (SSS) President at Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet ang mga manggagawa na regular na i-check ang kanilang contribution records sa SSS.
Pahayag ito ni Macasaet kasunod ng isinagawang sabayang Run After Contribution Evaders (RACE) operation, sa buong bansa.
Sa nasabing operasyon, 1,200 employers ang nasita at pinagbabayad ng kanilang contribution delinquencies na umabot na ng mahigit ₱335 million.
Halos 19,000 manggagawa ang apektado ng social security coverage.
Sa isang RACE operation na idinaos sa Quezon City, binigyang-diin ni Macasaet na dapat gawing regular ang pagre-remit ng kontribusyon ng mga employer.
Babala pa nito sa mga delinquent employers, na hindi magdadalawang isip ang SSS na kasuhan ang mga ito dahil sa paglabag sa Republic Act No. 11199. | ulat ni Rey Ferrer