Namahagi ng tulong ang Office of the Vice President (OVP) sa mga pamilyang nasunugan sa Barangay 105, Tondo sa Maynila.
Ayon sa OVP, pinangunahan ng Disaster Operations Center ang pamamahagi ng tulong sa Aroma Street sa nasabing barangay.
Tinatayang nasa 652 na mga pamilya ang nakatanggap ng OVP relief bags.
Ito ay naglalaman ng sleeping mats, kumot, kulambo, alcohol, face mask, at iba pang sanitary items.
Matatandaang sumiklab ang sunog sa naturang barangay noong nakaraang linggo na umabot sa ikalimang alarma.
Mahigit 600 pamilya o 1,800 na mga indibidwal ang nawalan ng tahanan.| ulat ni Diane Lear