Sinampahan ng patong-patong na reklamo ng Makati City Local Government Unit sa Office of the Ombudsman ang tatlong empleyado ng Taguig City kabilang ang City treasurer ng lungsod.
Ito ay sa reklamong Anti-Graft and Corrupt Practices Act, Grave Misconduct, Gross Neglect of Duty, at Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service.
Sa 10-pahinang reklamo ng Makati, ito’y bunsod ng umanoy 11 buwang pag-delay ng Taguig sa Tax Clearance documents ng Makati para sa parcel ng lupa na binili nito sa Bases Conversion and Development Authority (BCDA) sa halagang higit ₱146.5-million.
Ayon kay Makati City Mayor Abby Binay, isa lamang ito sa ilang serye ng umanoy pagsasawalang bahala ng Taguig sa batas. | ulat ni AJ Ignacio