Muling nagpapaalala ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa lahat ng kawani nito na magdoble-ingat lalo na ngayong tumitindi ang init ng panahon.
Mismong si Mayor Honey Lacuna ang nagbigay ng payo sa mga tauhan nito kung saan gawin nila ang nararapat na hakbang para maiwasan ang heat stroke at iba pang sakit.
Partikular ang mga kawani ng Engineering Office, Parks Development Office, Public Recreations Bureau, Manila Traffic and Parking Bureau, Manila Police District, Department of Public Services at Bureau of Fire Protection.
Giit pa ng alkalde, maaari naman silang magpahinga o kaya sumilong kada kalahating oras o 30 minuto para maging ligtas at maiwasan ang heath stroke.
Ipapatupad naman ng Manila LGU ang adjustment workings hours mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon sa May 2, 2024 para hindi mahirapan sa biyahe ang mga empleyado at makauwi. | ulat ni Michael Rogas