Sinisikap na ng Manila Economic Cultural Office sa Taiwan na malaman ang sitwasyon ng mga Pilipino na naroon matapos ang magnitude 7.5 na lindol kaninang umaga.
Ayon kay Alice Visperas, Deputy Resident Representative ng MECO sa Taiwan, wala pa silang natatanggap na ulat kung may mga Pinoy ba na sugatan o nasawi matapos ang lindol.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang kanilang ugnayan sa mga Filipino community sa Taiwan para alamin ang kanilang mga kalagayan.
Sa hanay ng mga staff ng MECO, lahat naman daw ay ligtas at nasa mabuting kalagayan.
Humihingi naman sila ng dasal para sa kaligtasan ng lahat dahil hanggang ngayon ay may mga pagyanig pa silang nararanasan. | ulat ni Michael Rogas