Manila Water, pinapalakas na ang activation ng deep wells sa East Zone ngayong tag-init

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinapalakas na ng Manila Water ang activation ng deep wells sa East Zone ng Metro Manila at ilang bahagi sa lalawigan ng Rizal.

Layon nitong tiyakin ang sapat na suplay ng tubig habang umiiral pa ang epekto ng El Nino Phenomenon.

Ayon kay Manila Water Corporate Communications Affairs Group Director Jeric Sevilla, nakakapag-produce na ng hanggang 67.06 million liters of water per day (MLD) ang water concessionaire mula sa 38 deep wells mula sa concession area nito.

Dahil sa pinahusay na deep well operations, makakapagbigay ito ng pang araw-araw na pangangailangan ng tubig sa may 335,000 customers.

Makakatulong aniya ito kapag nagbawas na ng alokasyon ng tubig sa Metro Manila ang National Water Resources Board sa Abril 16.

Mula sa 50 MLD ay babawasan ito hanggang 48 MLD upang mapanatili ang working level ng Angat Dam sa panahon ng El Niño.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us