Kasama na rin ang Metro Manila sa nakararanas ngayon ng ‘danger’ level na heat index ngayong araw.
Kahapon lang, umabot sa 42°C ang naitalang damang init sa bahagi ng Pasay City.
Batay sa heat index forecast ng PAGASA-DOST, magpapatuloy pa ang ganito kataas na heat index sa Metro Manila hanggang ngayong Martes at maging sa Miyerkules.
Bukod sa Metro Manila, nasa 24 na lugar pa sa bansa ang posibleng tamaan ng ‘danger’ level heat index kung saan ang pinakamataas na tantyang alinsangan ay aabot sa 45°C sa Roxas City, Capiz, at sa Zamboanga City, Zamboanga Del Sur. | ulat ni Merry Ann Bastasa