Mas maagang work schedule sa LGUs sa Metro Manila, ipatutupad na sa May 2 sa halip na April 15

Facebook
Twitter
LinkedIn

Napagkasunduan ng Metro Manila Council (MMC) na sa May 2, 2024 na ipatutupad ng mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila ang mas maagang work schedule na 7AM hanggang 4PM.

Sa pulong balitaan sa tanggapan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Pasig City, sinabi ni MMC President at San Juan City Mayor Francis Zamora, na sa halip na sa April 15 ay ginawa na nilang May 2, 2024 ang bagong work schedule.

Paliwanag ng alkalde, nais muna nilang bigyan ng pagkakataon ang publiko na malaman ang naturang impormasyon.

Sa tingin naman nila, sapat na ang dalawang linggo para malaman ng mga tao ang pagbabago.

Nabatid na may mahigit 112,000 mga kawani ng LGU sa NCR.

Kaya kumpiyansa ang MMC na kahit papaano ay makatutulong ang 7AM hanggang 4PM na work schedule, para maibsan ang trapiko sa Metro Manila.

Samantala, sinabi naman ni MMDA Chairperson Atty. Don Artes na sasabay na rin ang MMDA sa MMC sa May 2 sa pagpapatupad ng 7AM hanggang  4PM na work schedule. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us