Mas mainit na panahon, mararamdaman sa Metro Manila sa May – PAGASA  

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mas titindi pa raw ang init ng panahon sa Metro Manila hanggang sa katapusan ng buwan ng Mayo ngayong taon, batay sa nararamdamang init ng panahon sa bansa.

Ayon kay PAGASA Climate Monitoring and Prediction Chief Dra. Ana Solis, sa Metro Manila pa lamang maaaring tumindi pa ang init ng panahon dahil sa epekto ng El Niño, at warm and dry season.

Kahapon, April 15 naitala ang maximum daytime temperature na 36.9 degrees Celsius sa Pasay at maaaring tumaas pa ito hanggang sa buwan ng Mayo.

Sa pagtatapos aniya ng buwan ng Mayo ay malamang na maramdaman ang 40.3 degrees Celsius.

Mas mainit na panahon ang mararamdaman sa urban areas, dahil matindi ang heat emission ng mga sementadong lugar tulad ng mga gusali at kalsada.

Sabi pa ni Solis, hindi rin matatawag na heat wave ang nararanasan sa Pilipinas ngayon dahil ang heat wave ay limang araw na mataas beyond normal ang temperature, at sa ibang bansa lamang ito nararamdaman.

Sa kasaysayan ng init panahon sa Metro Manila ay nakapagtala ng pinakamataas na temperatura na 38.9 degrees Celsius sa bansa noong 1915, at posible aniya itong maabot pagdating ng buwan ng Mayo. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us