Tatagal pa ang mararanasang mas matinding init na panahon hanggang kalagitnaan ng Mayo ngayon taon.
Ito ang inihayag ng PAGASA Weather Bureau matapos maitala pa ang mataas na heat index o init ng panahon ngayong araw.
Batay sa highest heat index na inilabas ng Weather Bureau ngayong hapon, naitala ang lampas na 40 °C sa Camarines Provinces, Palawan, Cavite City, at Zamboanga City.
Ang Dagupan City sa Pangasinan ay nakapagtala ng 44ºC heat index.
Sinabi ni PAGASA Weather Specialist Benison Estareja maaaring magtala ang Metro Manila ng 40-41°C heat index bukas, Abril 11.
Ang mga lugar na nakakaranas ng heat index mula 42°C hanggang 51°C, ay posibleng magkaroon ng heat cramp at heat exhaustion, at may posibilidad rin na magka-heat stroke ang sinumang indibidwal kung patuloy ang pagkakalantad sa init. | ulat ni Rey Ferrer