Isinulong ng Office of Civil Defense (OCD) ang mas malawak na kooperasyon ng mga “stakeholder” sa Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) sa pamamagitan ng isang “Partners Event” sa Camp Aguinaldo noong Lunes.
Ang pagtitipon ay nilahukan ng mga representante mula sa 20 partner organizations ng OCD na nagbigay ng kani-kanilang “insight” ukol sa OCD Strategic Plan 2023 – 2030 at sa nakatakdang pag-host ng Pilipinas ng Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction (APMCDRR).
Tinalakay din sa pagtitipon ang iba pang posibleng larangan ng kooperasyon ng mga stakeholder.
Sa isinagawang diskusyon, binigyang diin ni OCD Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV ang mahalagang papel ng mga stakeholder sa pagtugon ng pamahalaan sa mga sakuna.
Pinuri naman ni OCD Asec. Hernando Caraig Jr. ang mga stakeholder sa kanilang patuloy na suporta. | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of OCD