Mas malawak na pag-iimbestiga sa nangyaring sunog sa NAIA terminal 3 parking area, minungkahi ni Sen. Poe

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinahayag ni Senate Committee on Public Services Chairperson Senator Grace Poe na dapat lawakan ang pag-iimbestiga tungkol sa nangyaring sunog sa NAIA terminal 3 parking area.

Ayon kay Poe, maliban sa pagtukoy ng tunay na dahilan ng sunog ay kailangan ring i-evaluate ang naging bilis ng pagresponde sa sunog.

Dapat aniyang malaman rin kung saang aspeto pa mapapaayos at mapapabilis ang pag-aksyon sa mga katulad na insidente sa hinaharap.

Pinarerebyu rin ng senator, kung may sapat na mga kagamitan gaya ng fire extinguisher para sa mga first responder, at sapat na kaalaman at pagsasanay ang mga tauhan ng paliparan sa pagresponde sa mga emergency situation.

Kaugnay nito, sinabi ni Poe na hihintayin muna nilang matapos ang imbestigasyon ng NAIA management tungkol sa nangyari. Saka aniya sila manghihingi ng report, at mula dito ay magdedesisyon kung kailangan pang busisiin sa Senado ang nangyari bilang bahagi ng kanilang oversight function. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us