Magsasagawa pa ng mas maraming multilateral maritime patrols sa West Philippine Sea (WPS) ang Philippine Navy kasama ang mga kaalyadong bansa.
Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for WPS, Commodore Roy Vincent Trinidad, bagama’t hindi sila nagkokomento sa mga operasyon sa hinaharap maaaring asahan ang pagtaas ng navy-to-navy at-sea engagements.
Paliwanag ni Trinidad, ang kooperasyong pandagat ay magsisilbing operational approach sa Active Archipelagic Defense Strategy, ang naval component ng bagong ipinakilalang Comprehensive Archipelagic Defense Concept ng Department of National Defense.
Dagdag pa nito, malugod namang tinanggap ng Philippine Navy ang lahat ng hukbong pandagat na handang makipagtulungan sa pagpapaunlad ng kakayahan at sa pagtataguyod ng katatagan sa West Philippine Sea. | ulat ni Leo Sarne