Ito ayon kay National Security Council (NSC) Assistant Director General Jonathan Malaya ay kasunod ng inilabas na kautusan ng Malacañang kung saan pinalalakas ang maritime domain awareness at maritime security ng Pilipinas.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, ipinaliwang ng opisyal na sa ilalim kasi ng Executive Order no. 57 pinalawak rin ang kapangyarihan ng National Maritime Council (NMC).
Ibig sabihin, sakop na ng tanggapan ang kabuuan ng Philippine maritime territory.
Malaking bagay aniya ito, lalo’t hindi lamang naman sa West Philippine Sea (WPS) may hinaharap na hamon ang bansa.
Nariyan aniya ang Benham Rise sa Silangan ng Pilipinas. Ang Batanes sa Hilaga at ang Timog na bahagi ng bansa, na nakaharap sa Indonesia at Malaysia.
Lahat aniya ng mga lugar na ito ay nangangailangan ng maritime domain awareness, at dapat lamang palakasin ang maritime security lalo’t hindi lamang naman sa WPS matatagpuan ang blue economy ng Pilipinas.
“Gaya ng lagi naming sinasabi sa NSC, iyong ating pinaka-yaman sa karagatan, ang blue economy ang pinaka- game changer sa buhay nating mga Pilipino. And iyong ating West Pilippine Sea ay isang aspeto lamang ng ating archipelago.” -ADG Malaya. | ulat ni Racquel Bayan