Kumpiyansa si Speaker Martin Romualdez na bubuhos ang mga mamumuhunan sa Pilipinas mula Estados Unidos matapos ang matagumpay na Philippine Dialogue na pinangunahan ni Finance Secretary Ralph Recto.
Sa naturang pulong ibinida ni Sec. Recto sa American investors ang magandang fiscal at economic policies ng Marcos Jr. Administration kasabay ng mga ipinapatupad na reporma pabor sa mga negosyo para sa mga dayuhan at lokal na mamumuhunan.
Kabilang si Romualdez sa mga dumalo sa pulong kung saan marami sa mga American investors ang nagpahayag ng kagustuhan na palawakin ang kanilang operasyon sa Pilipinas at ng suporta sa plano ng pamahalaan na pagbutihin pa ang ease of doing business.
Aniya ang positibong tugon na ito ng mga mamumuhunan mula Amerika ay isang indikasyon na mas marami pang investments mula US ang papasok sa bansa.
“The Philippines’ steadfast adherence to fiscal discipline and prudent debt management has garnered international acclaim, bolstering investor confidence and positioning the nation as a beacon of stability and growth in the Asia-Pacific region,” ani Romualdez.| ulat ni Kathleen Forbes