Umaasa si Trade Sec. Alfredo Pascual na magkakaroon ng mas maganda, maayos at malakas na ugnayan ang mga nabanggit na bansa pagdating sa kalakalan.
Sa opening statement ni Pascual, binigyang diin nito ang malalim na pagkakaibigan ng Amerika, Japan, at Pilipinas kabilang na ang malakas na ugnayang pang-ekonomiya at ang pagkakaisa pagdating sa ‘democratic values’.
Sa naturang trilateral meeting ay iprinisenta din ni Pascual ang tatlong pangunahing proyekto na nakadisenyo para sa paglago ng Luzon Economic Corridor.
Ang mga naturang inisyatiba ay inaasahang magkakaroon ng strategic connection sa pagitan ng unti-unting lumalaki na Subic at Clark na pawang base militar ng Estados Unidos noon, at ang kilalang manufacturing center na Cavite-Laguna-Batangas (CALABARZON) region, isang prime location para sa Japanese export-manufacturing firms.
Ang tatlong proyektong binabanggit ng Kalihim ay ang Subic-Clark-Manila-Batangas Railway System, Clark International Airport Development and Expansion initiative, at Clark National Food Hub.
Nagpakita naman ng suporta sina US Secretary of Commerce Gina Marie Raimondo at Japan Ministry of Economy, Trade and Industry Minister Ken Saito para maisakatuparan ang naturang mga proyekto. | ulat ni Lorenz Tanjoco
📷: Sec. Pascual FB page