Positibo si Ways and Means Committee Chair Joey Salceda na bababa pa ang presyo ng pagkain matapos ilabas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Administrative Order No. 20 na nagpapadali sa proseso ng pag-aangkat ng agricultural products.
Salig dito ay pinaluluwagan ng Pangulo sa Department of Agriculture ang administrative procedures sa pag-i-import ng agricultural goods at inalis na rin ang non-tariff barriers upang tugunan ang tumataas na domestic prices.
Paliwanag ni Salceda, napakahirap para sa isang exporter na magbenta ng pagkain sa Pilipinas dahil isa ito sa may pinakamataas na halaga ng proteksyon para sa domestic goods na nasa 27 percent share ng farm receipts.
Sinabi rin ng kongresista na bukod sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) ay walang ibang mekanismo para direktang suportahan ang domestic sector sa pamamagitan ng tariff revenues.
“With such levels of trade protection, we should not be surprised why food is expensive in the country. Such protection levels also do not directly accrue to the agricultural sectors they are supposed to protect. They also incentivize those who can completely disregard the law or corner domestic trade… We hurt consumers with high trade barriers, but we also do not support farmers directly with tariff revenues.” ani Salceda.
Kaya para sa House tax chief, nasa tamang direksyon ang atas ni Pangulong Marcos Jr. dahil kung maipatupad ito ng DA ay mabubuksan na rin aniya ang sugar imports sa direct industrial users na nangangahulugang gagalaw na ang food manufacturing sector.
Kasama rin sa matutugunan nito ang presyo ng isda na may mataas na antas ng non-tariff protection gaya ng Certificate of Necessity to Import. | ulat ni Kathleen Jean Forbes