Iniimbitahan ng Department of Health (DOH) sa pmamagitan ng Health Human Resource Development Bureau nito ang lahat ng qualified na mga indibidwal na mag-apply para sa master’s degree scholarship program nito.
Alok sa scholarship ang master’s degree program sa Public Management na may specialization sa Health Governance, pero dapat pasok sa mga qualifications na itinakda sa application.
Kabilang dito ang pagiging permanenteng empleyado ng gobyerno na hindi bababa sa isang taon; may salary grade na hindi bababa sa SG15; at least 75% na sa service obligation kung may nagdaang scholarship; at hindi pa nakakatanggap ng kahit anong local o foreign scholarships sa nagdaang anim na buwan.
Kung pasok kayo sa itinakdang qualifications ay maaari lamang bisitahin ang link na nasa page ng DOH o ang QR code na naka-post para sa karagdagang detalye at scholar requirements.
Maaaring isumite ng mga interesadong aplikante ang kanilang mga requirements sa email na [email protected] bago ang deadline sa paparating na ika-15 ng Abril 2024.| ulat ni EJ Lazaro