Meralco at DOE, nanawagan sa mga kumpanya na sumali sa Interruptible Load Program ng pamahalaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinikayat ng Manila Electric Company (Meralco) at Department of Energy (DOE) ang mas marami pang kumpanya na sumali sa Interruptible Load Program o ILP ng gobyerno.

Ito ay upang matiyak na sapat ang suplay ng kuryente ngayong panahon ng tag-init.

Kaugnay nito, hiniling ni DOE-Electric Power Industry Management Bureau Director Irma Exconde ang suporta at kooperasyon ng mas marami pang kumpanya sa bansa upang makamit ang pagkakaroon ng tuloy-tuloy na suplay ng kuryente.

Sinabi naman ni Meralco Vice President at Head for Enterprise and National Government, Ma. Cecilia Domingo na ang aktibong pakikilahok ng mga kasapi sa ILP sa franchise area ng Meralco ay nakakatulong upang maibsan ang pressure sa power grid.

Sa ilalim ng ILP, ang mga malalaking kumpanyang gumagamit ng maraming kuryente ay pansamantalang hindi kukuha ng kuryente mula sa grid.

Sa halip, gagamitin nila ang sariling generator o magbabawas ng operasyon kung sakaling kulang ang suplay ng kuryente.

Noong nakaraang linggo lamang, tinatayang 1.9 milyong kabahayan ang nailigtas mula sa rotational brownout dahil sa programa. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us