Nanawagan muli ang Manila Electric Company (Meralco) sa kanilang mga commercial at industrial customer na kalahok sa Interruptible Load Program (ILP) na magbawas ng konsumo sa kuryente.
Sa ilalim ng ILP, ang mga malalaking kumpanyang gumagamit ng maraming kuryente ay pansamantalang hindi kukuha ng kuryente mula sa grid.
Ayon sa Meralco, kung kinakailangan ay handa silang magpatupad ng Manual Load Dropping o rotational power interruptions.
Ito ay matapos na isailalim sa Red at Yellow Alert Status ang Luzon Grid ngayong araw.
Kasabay nito ay hinikayat ng Meralco ang kanilang mga customer na magtipid sa paggamit ng kuryente dahil sa pagnipis ng supply mula sa grid.
Tiniyak naman ng Meralco na nakabantay sila sa sitwasyon at patuloy na magbibigay ng update. | ulat ni Diane Lear