Mga buntis, tinulungan na makapagsimula ng negosyo sa Nanay Fair sa Las Piñas City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-alok ng libreng baking seminar ang tanggapan ni Las Piñas Representative Camille Villar para sa mga nanay at mga buntis.

Sa pagbisita ng Nanay Fair sa Barangay Mayo Uno, nabahagian ang nasa 100 expectant mothers ng pagkakataon na matuto kung paano mag-bake upang makatulong sa kanilang pangkabuhayan.

Maliban dito ay nabigyan din sila ng pre-natal check-up at regalo na naglalaman ng health products.

Ayon kay Villar, mahalagang mabigyan ng bagong kasanayan ang mga nanay para makatulong sa kanilang gastusin.

Ang Nanay Fair ay isa sa mga advocacy program ni Deputy Speaker Villar upang matiyak ang kapakanan ng mga nagdadalang tao at kanilang mga sanggol. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us