Pinaalalahanan ni Senador Chiz Escudero ang Department of Energy (DOE) at ang Energy Regulatory Commission (ERC) na dapat silang magpatupad ng mas mahigpit na oversight sa mga power generation companies (gencos) para tiyakin ang pagsunod na mga ito sa kanilang scheduled outages.
Maliban dito, sinabi rin ni Escudero na dapat obligahin ang mga gencos na magbigay ng paliwanag at katwiran para sa kanilang mga unplanned outages.
Iginiit ng senador na dapat makapaglatag ng accountability measures para matugunan ang anumang hindi resonableng pagkawala ng kuryente na maaaring sanhi ng kapabayaan o incompetence.
Ipinunto ng mambabats na hindi magagarantiya ng anumang ancillary o stand by power ang pagkakaroon ng sapat na suplay ng kuryente kung magpapatuloy ang biglaang o hindi naka-schedule na outages na ito.
Una nang inilagay ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Luzon grid sa red at yellow alert status habang ang Visayas grid naman ay inilagay sa yellow alert status kahapon matapos pumalya ang 42 power plants. | ulat ni Nimfa Asuncion