Natakpan na ang ilang mga hukay sa bahagi ng EDSA-Santolan southbound sa San Juan City kaninang umaga matapos naman itong magdulot ng mabigat na daloy ng trapiko kahapon.
Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, nilagyan na ng semento ang hukay sa labas ng Gate 1 ng Kampo Crame gayundin ang mga hukay sa may Ortigas.
Pero ang hukay sa gitna ng EDSA-Santolan partikular sa kanto ng Annapolis, nilagyan lamang ng steel sheet pero kapansin-pansing hindi maayos ang pagkakalagay nito.
Umaangat at kumakalampag kasi ang itinakip na bakal sa tuwing madaraanan ng mga sasakyan kaya’t unti-unti rin itong nauusod.
Magugunitang inihayag kahapon ni MMDA Acting Chair, Atty. Don Artes na papatawan nila ng ₱50,000 kada araw na multa ang contractor ng isang TelCo na siyang nasa likod ng mga naturang hukay. | ulat ni Jaymark Dagala