Umakyat na sa halos 500-libo ang bilang ng mga indibidwal na apektado ng El Niño sa tatlong rehiyon sa bansa.
Base sa huling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) katumbas ito ng mahigit 102-libong pamilya sa 730 barangay sa MIMAROPA, Region 6 o Western Visayas at Region 9 o Zamboanga Peninsula.
Pinaka malaking bilang ng mga apektado na mahigit 313-libong indibidual ang nasa Zamboanga Peninsula; habang lagpas sa 120-libong indibidual ang apektado sa Western Visayas; at nasa 64-libo naman sa MIMAROPA.
Samantala, iniulat din ng NDRRMC na halos 30-libong mangingisda at magsasaka ang apektado ng matinding tagtuyot sa anim na rehiyon sa Regions 1 , 2, CALABARZON, MIMAROPA, Region 6 at 9.
Halos 500-milyong pisong tulong na naibigay ng pamahalaan sa mga apektadong indibidwal. | ulat ni Leo Sarne