Hinikayat ngayon ni Iloilo Rep. Janette Garin ang mga magulang na lumaya mula sa kanilang takot at pangamba sa bakuna.
Ito’y sa gitna ng pagtaas sa kaso ng Pertussis sa bansa.
Ayon kay Garin na nagsilbi bilang dating DOH secretary, dapat nang iwaksi ng mga magulang ang kanilang takot at pabakunahan ang kanilang mga anak.
Batay sa ulat ng DOH mula January 1 hannggang April 6 ay nakapagtala na ng 1,477 na kaso ng pertussis sa buong bansa kung saan may 63 ang nasawi.
Punto ng mambabatas na ang vaccine hesitancy na ito ang dahilan sa pagdami ng kaso ng pertussis maging ng measles.| ulat ni Kathleen Forbes