Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) na posibleng maharap sa kaso ang mga nagkakanlong kay Pastor Apollo Quiboloy, dahil labag ito sa batas.
Ito ang inihayag ni PNP Public Information Office Chief, Police Colonel Jean Fajardo, kasabay ng panawagan sa mga supporter ng lider ng Kingdom of Jesus Christ na maging mahinahon at tumulong sa mga awtoridad.
Umapela din si Col. Fajardo kay Pastor Quiboloy na makipag-cooperate at respetuhin at harapin ang Warrant of Arrest at judicial process laban sa kaniya.
Sa ngayon, pinalawak na ng PNP ang kanilang operasyon upang matunton si Quiboloy katuwang ang iba pang law enforcement agencies para maisilbi ang Warrant of Arrest dahil sa kasong child at sexual abuse.
Maaalalang, sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) ang limang akusado na kasama ni Quiboloy sa kasong child abuse.
Si Quiboloy na lamang ang nananatiling at large sa kasalukuyan. | ulat ni Leo Sarne