Pumalo na sa 79 percent ng mga pampublikong jeepney ang nag-consolidate sa ilalim ng PUV Modernization program hanggang 2:00 PM kanina.
Ito’y mula sa kabuuang 78.33 percent na nag-consolidate na bago ang itinakdang deadline ngayong Abril 30.
Sinabi ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz, dumagsa sa kanilang mga tanggapan ang mga operator na humabol sa consolidation deadline.
Karamihan sa mga humabol ay mula sa Metro Manila.
Dahil dito, umaasa ang LTFRB Chief na tataas pa ang bilang ng mga pampublikong sasakyan na magpasailalim sa consolidation program.
Sa Metro Manila, mula sa 54 percent, umakyat na sa 57 percent ang nag-consoldiate at posibleng aabot pa hanggang 60 percent.
Pagtiyak pa ni Guadiz na kahit abutin sila ng gabi ay tatanggapin ng LTFRB ang mga operator na nagdesisyon nang magpa-consolidate ng kanilang sasakyan.| ulat ni Rey Ferrer