Nakapagtala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng pagbaba sa bilang ng mga nahuhuling hindi awtorisadong sasakyan na dumadaan sa EDSA Busway kada linggo.
Ito ay dahil na rin sa pinaigting na pagpapatupad ng batas-trapiko sa lugar para matiyak na hindi naaantala ang biyahe sa ekslusibong Bus Lane.
Batay sa datos ng MMDA, mula sa bilang na 277 noong unang linggo ng Enero, ay nasa 16 na lamang ang nahuli noong unang linggo ng Marso.
Habang mahigit 1,000 naman ang kabuuang bilang ng mga hindi awtorisadong sasakyan ang nahuli simula Enero hanggang Marso.
Sa bilang na ito pinakamari sa mga mahuli ay motorsiklo, kotse, van, taxi at iba pang uri ng sasakyan.
Ayon sa MMDA, marami pang ilalatag na hakbang ang pamahalaan para maibsan ang mabigat na trapiko sa Metro Manila.
Nanawagan naman ang ahensya ng disiplina at kooperasyon sa mga motorista para maresolba ang problema sa trapiko.| ulat ni Diane Lear