Pinangunahan ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Renato Solidum at Ginoong Onin Miranda ang pinakabagong programa sa Radyo Pilipinas 1 kung saan hatid nito ang mga napapanahong balita tungkol sa agham, teknolohiya at inobasyon.
Sa pilot episode pa lamang programang “Radyo Siyensya: Sa DOST, konektado ka!” ilang pinakabagong balita agad ang ibinahagi nito sa mga nakikinig kabilang ang ilang kaganapan na kasangkot ang DOST.
Naging bahagi rin ng unang episode ng Radyo Siyensiya ang teknolohiya ng water desalination facilities na naitayo sa tulong ng DOST na napakikinabangan na ngayon ng isang barangay mula sa Romblon.
Ipinaliwanag din ng eksperto mula sa DOST kung paano ang naging proseso at ginawa ang nasabing desalination facility.
Mapapakinggan ang Radyo Siyensiya ng DOST tuwing Sabado sa Radyo Pilipinas 738kHz sa inyong mga talapihitan, 2:00 hanggang 3:00 ng hapon. Gayundin sa Channel 3 gamit ang ABS-CBN TV Plus o Channel 45-49 gamit ang GMA Affordabox. | ulat ni EJ Lazaro