“Dapat nating tuligsain ang wang-wang mentality.”
Ito ang iginiit ni Senate Majority Leader Joel Villanueva kasabay ng pagsuporta at pagpuri sa kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nagbabawal sa mga empleyado at opisyal ng gobyerno na gumamit ng wang-wang o anumang signaling device.
Binigyang diin ni Villanueva na tungkulin ng mga opisyal ng pamahalaan na maging ehemplo sa taumbayan lalo na pagdating pagsunod ng batas trapiko.
Hindi aniya dapat dumagdag pa ang mga opisyal ng gobyerno sa kalbaryong pinagdadaanan ng publiko sa masikip at mabigat na daloy ng trapiko.
Kaya naman, napapanahon lang aniya ang paglimita sa pagbebenta ng wang-wang, blinkers at iba pang signaling o emergency devices.
Sinabi ni Villanueva na dapat ang mga nasa AFP, PNP, NBI, bureau of fire protection (BFP), mga bumbero at hospital ambulances lang ang pagbentahan ng mga naturang device. | ulat ni Nimfa Asuncion