Humarap sa pagdinig ng Senate Committee on Health ang mga opisyal ng Bell-Kenz Pharma Inc, ang pharmaceutical company na inaakusahang sangkot sa multi level marketing o pagrerekrut sa mga doktor para ibenta ang kanilang mga gamot.
Personal na humarap sa hearing si Luis Raymond Go, ang chairperson at chief executive officer ng kumpanya, para itanggi ang mga akusasyon.
Partikular na pinabulaanan ni Luis Go na nakakatanggap ng komisyon mula sa kanilang kumpanya ang mga doktor na bahagi ng kanilang MLM
Nagpakita naman ng larawan ng mga cheke si Senador Raffy Tulfo na iniisyu umano ng kumpanya sa mga doktor na bahagi ng MLM.
Paliwanag dito ng Bell-Kenz, kapag nagbayad sa kanila ng full on time ay nagbibigay sila ng additional discount…ito aniya ang purpose ng mga chekeng pinakita ni Tulfo.
Giniit rin ni Luis Go na isa silang tradisyunal na pharma company na gumagamit ng medreps para magrekomenda ng kanilang mga gamot sa mga doktor.
Pero kalaunan ay inamin ng Bell-Kenz na may binibgay silang mga incentives sa kanilang mga partner doctors, gaya ng trip abroad, medical education, at clinic equipment, para aniya maisama ang kanilang brand sa generic prescriptions ng mga doktor.
Tugon naman dito ng DOH, dapat ay ipinaalam nila ang ganitong mga bagay sa Food and Drug administration (FDA).
Sa gitna nito ay pinaiimbestigahan rin ng mga senador sa professional regulation commission (PRC) ang isyu.| ulat ni Nimfa Asuncion