Sa gitna pa rin ng matinding init, inilabas na ng Caloocan LGU ang adjustment schedule para sa mga estudyante sa Kinder hanggang Senior High School simula sa susunod na linggo, April 8-12, 2024.
Sa pakikipag-ugnayan sa Caloocan Schools Divisions Office, para sa mga pang-umaga, sila ay papasok ng face-to-face classes mula 6am-11:30am ng Lunes, Martes, at Biyernes (6am-9am), habang asynchronous naman tuwing Miyerkules at Huwebes.
Asynchronous naman tuwing Lunes at Martes ang mga pang-hapong klase at F2F classes mula 6am-11:30am ng Miyerkules hanggang Biyernes (9am-12nn).
Ayon din sa Caloocan SDO, naka-depende naman sa mga namumuno ng mga pangpribadong paaralan ang pagsususpende ng pasok sa kani-kanilang eskwelahan o pagpapatulad ng blended o alternative modes of teaching. | ulat ni Merry Ann Bastasa