Nilinaw ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) na walang nagbago sa mga patakaran sa pamamahala sa EDSA Busway.
Ito’y sa kabila ng mga nangyaring insidente ng mga paglabag sa Busway kamakailan.
Batay sa ulat ng Department of Transportation (DOTr), kabilang ang sasakyan na umano’y mula sa Chinese embassy at isa pang convoy mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ikinokonsiderang mga lumabag sa busway.
Pagtiyak ng SAICT na bibigyan ng Show Cause Orders ng Land Transportation Office (LTO) ang mga rehistradong may-ari ng mga sasakyang ito.
Titiyakin ng SAICT ang integridad ng EDSA busway bilang ang pinakamahusay na transportasyon sa kalsada.| ulat ni Rey Ferrer