Dumalaw sa tanggapan ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong sa Little Gaza sa Quezon City kung saan namamalagi ang mga Pilipino na lumikas at nagparepatriate mula Gaza dahil sa patuloy na kaguluhan doon.
Dito inilapit ng mga Filipino repatriates na sana ay mabigyang pagkakataon ang kanilang Palestinian spouses na makapagtrabaho, habang hinihintay na maaprubahan ang kanilang refugee status.
Nagpapatulong din aniya sila na maipasok sa mga eskuwelahan dito ang kanilang mga anak gayundin ay mabigyan sila ng atensyong medikal.
Nangako naman si Adiong na hahanapan ng paraan at makikipag ugnayan sa mga kaukulang ahensya ng pamahalaan upang matugunan ang kanilang apela.
Kasabay nito ay nagpaabot na rin ng personal na donasyon ang mambabatas sa komonidad ng Little Gaza. | ulat ni Kathleen Forbes