Pinasinungalingan ng Department of Social Welfare and Development sa Region 11 na may alok na ayuda ang ahensya para sa Labor day.
Sa abiso ng DSWD, hindi totoo ang kumakalat na mga post sa social media tungkol sa pamamahagi ng Labor Day gift.
Hinihimok ang publiko na mag-ingat sa mga hindi opisyal at hindi beripikadong anunsyo o mga post sa social media.
Dapat munang tingnang mabuti at i-verify at huwag basta maniwala at magpasakop sa mga katulad na scam.
Sa halip,bisitahin lamang ang official social media accounts at website ng DSWD tungkol sa mga programa at serbisyo ng opisina. | ulat ni Rey Ferrer