Mga produktong Pinoy, ibinibida ni Pres. Marcos Jr. sa mga dayuhang lider at officials na bumibisita sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mismong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang nagsisilbing tagapagtaguyod o endorser ng mga gawang Pinoy na produkto sa kanyang mga kapwa lider na bumibisita sa bansa.

Sinabi ng Punong Ehekutibo na sa tuwing may foreign leader na bumibisita sa Pilipinas at nagbibigay sila ng regalo dito ay Philippine-made ang kanilang ipinauuwi.

Sinabi ni Pangulong Marcos na napakaganda naman talaga ng gawang Pilipino at mahalagang maipagmalaki ito sa buong mundo.

Sa ganitong paraan din pagbibigay ng Chief Executive ay naipapakita ang pagmamahal sa local products na kanyang naipo- promote sa mga dayuhang lider.

Ito, dagdag ng Pangulo, ay tunay na maipagmamalaki lalo’t gawa ang mga item na ipinangreregalo ng mga nasa Micro, small and medium enterprises (MSMEs). | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us