Nanatiling ligtas sa Paralytic Shellfish Poison o toxic red tide ang mga shellfish mula sa Manila bay sa kabila ng tumitinding init ng panahon.
Ito’y base sa pinakahuling laboratory examination results ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) kahapon.
Lahat ng lamang dagat na nakukuha sa mga baybaying dagat ng Cavite, Las Piñas, Paranaque, Navotas, Bulacan at Bataan ay ligtas sa human consumption.
Habang nanatili namang mataas pa ang antas ng toxic red tide sa pito pang baybaying dagat sa bansa
Ito ay kinabibilangan ng coastal waters ng Milagros sa Masbate; Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; San Pedro Bay sa Samar at Matarinao Bay sa Eastern Samar; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; at baybaying dagat ng San Benito sa Surigao del Norte.| ulat ni Rey Ferrer