Sabayang nagsanay ang mga tropa ng Pilipinas, Estados Unidos at Australia sa combat marksmanship activity, na bahagi ng Balikatan 2024.
Lumahok sa aktibidad ang Philippine Navy Special Operations Unit, United States Navy SEALs, at Australian Special Forces.
Ayon kay Combined Joint Information Bureau Chief, LTC John Paul Salgado, nagsilbi itong oportunidad sa special operations units ng magkaalyadong mga pwersa na mapahusay ang kanilang komunikasyon at kolaborasyon sa isang dynamic training environment.
Sinabi ni Salgado, na ang pagsasanay na ito ay pagpapakita lamang ng pangmatagalang partnership ng mga nabanggit na bansa sa larangan ng depensa at seguridad. | ulat ni Leo Sarne