Mga sundalong nasugatan matapos ang engkuwentro sa BIFF-Karialan faction, binigyang parangal ng AFP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinarangalan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga tauhan ng Army’s 6th Infantry Division na nasugatan matapos maka-engkuwentro ang mga tauhan ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) – Karialan faction sa Maguindanao del Sur.

Personal na iginawad ni AFP Chief of Staff, General Romeo Brawner Jr. ang medalya laban sa mga sugatang sundalo bilang pagkilala sa kanilang sakripisyo, matiyak lamang ang kapayapaan at seguridad sa rehiyon.

Tiniyak din ng AFP chief sa mga sundalo ang kaniyang matibay na suporta at nangakong makatatanggap ang mga ito ng kaukulang tulong hanggang sa kanilang paggaling.

Magugunitang napatay ng mga tropa mula sa 1st Brigade Combat Team at 1st Sout Ranger Battalion ang pinakamataas na pinuno ng BIFF na si Mohiden Animbang alias Karialan at 11 kasama nito sa Sitio Pendililang, Kitango, Datu Saudi Ampatuan noong Lunes.  | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us