Nag-abiso na ang Department of Social Welfare and Development na pansamantalang isasara simula bukas, Abril 9 ang lahat ng tanggapan nito.
Ito’y para bigyang daan ang pagdiriwang ng Aaraw ng Kagitingan at Eid’l Fitr na parehong idineklarang regular holiday.
Alinsunod ito sa Proclamation No. 368 at 514 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr.
Sa ilalim ng proklamasyon, ihihinto ang lahat ng operasyon sa DSWD upang paglaanan ng oras ang “Day of Valor” at “Kapistahan ng Ramadhan”.
Bukod pa dito, mabibigyan din ng panahon ang mga empleyado na makapagpahinga sa kanilang mga trabaho.
Nakatakda namang ibalik ang operasyon ng mga tanggapan sakaling matapos ang regular holiday. | ulat ni Rey Ferrer