Nagsagawa ng isang “Peace Rally Parade” ang mga Zambosurean sa bayan ng Dumingag sa lalawigan ng Zamboanga del Sur.
Ito’y bilang pagdiriwang sa tuluyang pagkalipol ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa lalawigan.
Ang naturang peace rally ay isinagawa bilang pagpapakita ng galit sa rebeldeng NPA dahil sa idinulot na paghihirap at kaguluhan sa bayan ng Dumingag sa loob ng 55 taon.
Kaakibat ng pagdiriwang ang tatlong taong pagiging insurgency-free and development-ready province ng Zamboanga del Sur na gugunitain nitong buwan ng Abril.
Ang aktibidad ay linahukan ng mga former rebels (FR) at mga kasapi ng National Freedom for Peace Movement (NAFPEM).
Ito’y pinangunahan ni Dumingag Mayor at MTF-ELCAC Chairperson Gerry Paglinawan, kasama ang lahat na mga punong barangay na nagsilbi ring mga Barangay TF-ELCAC chairmen sa kani-kanilang mga lugar.
Lumahok din ang mga kababaihan, mga kabataan, religious sectos, at iba’t ibang yunit ng Philippine Army sa Zamboanga Peninsula.
Ibinahagi rin ng mga FRs ang mapait at masalimuot nilang karanasan sa kamay ng CPP-NPA.
Isiniwalat din nila ang mga kasamaan at pandarayang ginawa ng kanilang mga lider.
Ang naturang Peace Rally Parade ay mariing sinupurtahan ng mamamayan ng lalawigan sa kanilang pagnanais na matuldukan na ang local communist armed conflict sa lalawigan.| ulat ni Lesty Cubol| RP1 Zamboanga Sibugay